Monday, January 2, 2017

Pres. DUTERTE, DIOKNO AT ECONOMIC TEAM GINAWANG KONTRABIDA NG LIDERATO NG SSS





Naninindigan ang mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na delikadong itaas ang pension ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) kung walang kaakibat na pagtataas sa kontribusyon.

Magugunitang bago maupo sa presidency, kabilang sa pangako ni Pangulong Duterte ang pagtataas sa pension ng mga SSS members.

Tinatayang nasa 2.2 million ang mga pensioners ng SSS.

Sinabi nina Budget Secretary Benjamin Diokno, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at Finance Secretary Carlos Dominguez III, kung ipipilit ang pension hike na walang contribution rate hike, tataas ang pagkakautang ng ahensya hanggang P5.9 trillion.


Ayon sa mga economic managers, dapat taasan muna ang member contributions sa 17 percent ng kanilang basic salaries mula sa kasalukuyang 11 percent.

Pero sa panig ni Sen. Richard Gordon, maaari pa namang ibigay ng SSS ang P1,000 increase sa pension ng mga retiradong miyembro kung agad ayusin ang koleksyon at investment portfolio.

Una nang nag-sorry ang pangulo noong Disyembre 29 dahil sa hindi naipatupad na pangako.

Tila pine-pressure raw ng liderato ng Social Secutrity System (SSS) si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isinusulong na dagdag P2,000 sa pension sa mga miyembro ng nito.

Paliwanag ni Budget Sec. Benjamin Diokno, dapat daw kasi sa level pa lamang ng SSS ay nailatag na ng wasto at naresolba ang panukalang dagdag SSS pension.

Giit pa ng kalihim, kung siya lamang daw ang masusunod, siya at ang board na lamang umano kaagad ang magdedesisyon sa usapin na ito, at hindi na rin daw paabutin pa sa lamesa ng Pangulo.

Ang ginagawa rin daw ngayon ng board members ng SSS ay mistulang para gawing kontrabida ang Pangulo sa mga mata ng publiko sakaling hindi nito tutuparin ang ipinangakong across-the-board pension hike.





Share this story and like us on Facebook! 

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of JuanSipag.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.


COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by JuanSipag.com. Comments are views by JuanSipag.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of JuanSipag.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with JuanSipag.com editorial standards, JuanSipag.com may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section.

No comments:

Post a Comment